...Because she can do whatever she likes.
missing & loving anawangin.
Dito sa Anawangin…
…humihinto ang oras. Sa dami at tagal nyo ng nag-iinuman, akala mo hapon na, yun pala tanghaling tapat pa lang, pero lasing ka na.
…pag nalasing ka, hindi ka matutulog o susuka, lulub-lob ka lang sandali sa dagat at presto, handa ka nanaman sa isa pang round ng tagayan at kampayan.
…poproblemahin mo lang kung ano pang gagawin nyo kapag wala na kayong maisip na gawin, dahil nga sa haba ng oras, kinukulang kayo sa kwento at alak. At kapag naubos ang alak, paano kayo makakapagpabili ng alak sa bangkero na babalik sa bayan para matuloy nyo ang inuman at kwentuhan.
… hindi mo iintindihin kung nag-txt na ba ang asawa mo o girlfriend o boyfriend mo, kasi kahit anong gawin nilang tawag o txt, hindi ka nila masesermunan kung bakit di ka nag-rereply at sumasagot sa mga tawag nila kasi wala naman silang magagawa dahil walang signal dun. Poproblemahin mo na lang yun pag-uwi mo.
… sarili mo lang iisipin mo, mga kaibigan mo, at kung paano nyo uubusin ang isang bote ng Jim Beam na parang hindi naman yata talaga nauubos.
… kahit mag skinny deep ka sa gabi, ok lang. Basta panindigan mo lang at wag babalik sa mga kasama mo sa camp at ng dahil sa sobrang kalasingan, sasabihing, “baka may seaweed monster na lumabas.”
… pwede mong makita ang pamosong “Diwata ng mga Tissue.”
…walang lugar ang problema at trabaho. Puro pasarap lang ang aatupagin mo. Sun bathing, snorkeling, skimboarding, uminom, mamulutan ng fishball at kikiam na may kasamang buhangin at mag-dessert ng ice buko ni Manong hanggang sa hindi mo na namamalayang paubos na ang pera mo.
… iisipin mo na sana nasa kabilang isla na lang ang trabaho mo para kahit anong oras pwede kang bumalik at mag relax sa isla.
…maiisip mo na napakaganda ng Pilipinas, sa sobrang ganda, hindi mo na iisiping pumunta sa ibang bansa para mamasyal hanggat hindi mo nauubos puntahan ang 7,100 na isla ng Pilipinas.
…kahit saan pwede kang humiga at matulog. Sa loob ng tent, sa ilalim ng puno o boulder o sa buhangin malapit sa pang-pang, sa ilalim ng buwan at mga bituin, habang iniisip mo na sana, tumigil na lang talaga ang oras, dun din mismo, ng malasap mo ng husto ang panandaliang kalayaan na miminsan lang mangyari.
…ang polusyon lang ay ang ingay ng soundtrip na baon, kasama na ang tawanan at hiyawan ng grupo.
…Good Vibes lang ang meron; Kaibigan at walang katapusang kwentuhan at kasayahan.
Sana makabalik kami ulit dito…
***Kahapon, nangyari ulit yung ganito sa company “summer” outing namin sa Caylabne Resort Ternate, Cavite. :)))